Ang MARILAQUE o Manila Rizal Laguna Quezon Highway ay isang kilalang daan na nagkokonekta sa Metro Manila patungong Infanta, Quezon. Ito may may habang mahigit 117 kilometro. Ito ay sikat na daanan ng mga motorista dahil sa nakamamanghang mga tanawin na makikita habang nilalakbay ang kahabaan ng highway. Sa kabila ng kasikatan ng lugar ay madami ding malulungkot na kwentong nangyari dito. Tinaguriang "a deadly highway," madaming mga "fatal" accidents na ang nangyari dito kung saan ang kalimitang sangkot ay mga motorcycle riders. Madaming delikadong kurbada sa lugar at isang maling kilos ng rider o driver ay maaaring maging katumbas ng kanilang buhay.
Nakakalungkot na ang isang napakagandang daan na tulad ng MARILAQUE ay may kasamang hindi kaaya-ayang mga pangayayari, kaya naman ang mga otoridad ay naglagay ng mga 'warning signs" para mapaalalahanan ng tamang pag-iingat ang sinumang dumadaan dito.
Isa sa mga signs na nakalagay dito ay "FALLING ROCKS" kung saan pinag-iingat ang mga tao sa mga posibleng malaglag na mga bato. Isa ito sa mahahalagang warning signs sa highway dahil ang mga bato, maliit man o malaki ay maaaring magdulot ng seryosong aksidente sa sinuman.
Subalit noong February 2023, napansin ng isang grupo ng mga concerned citizens ang "vandalism" na ginawa sa isang warning sign. Diumano, may isang grupo o "gang" na nag-spray ng katagang "in love" sa "FALLING ROCKS" warning sign na nakalagay sa gilid ng MARILAQUE highway. Ang naturang pangyayari ay naidokumento ng grupo ng mga concerned citizens buhat mismo sa mga posts sa social media.
Naalarma ang grupo sa pangyayaring ito dahil isang kasamahang rider nila ang nadisgrasya sa lugar na mismong kinatatayuan ng warning sign na pinaglaruan ng grupo. Ayon kay Jay Ar, ang naaksidente; binabagtas nya ang highway nang mapansin nya na may warning sign. Dahil burado ito, hindi nya gaanong maunawaan at sa kagustuhan nyang mabasa para sa kanyang kaligtasan ay tinitigan nya ang sign ngunit sa kasamaang palad ay dumulas ang kanyang motor at sya ay nabukulan. Kung malinaw lang sanang nababasa ng mga motorista ang sign, maiiwasan ang ganitong aksidente.
Kaugnay nito ay idinulog ng mga concerned citizens/riders ang naturang pangyayari sa Antipolo CPS RPPO upang maaksyunan at maiwasan ang anumang aksidente sa lugar.
February, 2023 idinulog nila ang pangyayari, nagpakita sila ng mga larawan at videos bilang ebidensya sa ginawang vandalism. Dahil ito ay isang seryosong problema na kelangang maaksyunan agad para sa kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga byahero ng MARILAQUE, makailang ulit na nagfollow up ang grupo tungkol sa development ng kanilang complaint. Sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay hindi pa din naaaksyunan ang kanilang hinaing. Bagamat patuloy ang pakikipag-communicate ng mga otoridad sa mga concerned citizens na nagsampa ng reklamo, ang mismong warning sign ay hindi pa din napalitan ng bago o nabura ang ginawang bandalismo.
Ang vandalism lalo na sa mga pag-aari ng gobyerno ay iligal na gawain at may karampatang parusa ayon sa batas. Bukod sa nakakasira ng pag-aari ng taumbayan ang bandalismo, ang ginawa ng mga di kilalang tao/grupo ay maaaring magdulot din ng sakuna sa lugar, kaya kahit kelan ang ganitong uri ng gawain ay hindi katanggap-tanggap.
Nais ng grupo ng mga concerned citizens/riders na agaran itong aksyunan ng mga otoridad at nais din nila itong iparating sa kaalaman ng Mayor ng Baras, Rizal Mayor Wilfredo Robles; na nakakasakop sa lugar kung saan nakatayo ang warning sign upang mabigyan ng mahusay na solusyon ang problema at mapanatili ang kaligtasan ng mga byahero sa kahabaan ng MARILAQUE.
No comments:
Post a Comment