Ito ang aking kwento...
Kwento ng mga karaniwang Pinoy na patuloy sa paglaban sa kabila ng hirap ng buhay.
Kwento ng pagpupunyagi, patuloy na pagsagwan sa dagat ng mga pagsubok at kabiguan...
Ang aking murang isip ay namulat sa kahirapan ng buhay. Sa isangdaang pisong kita sa araw-araw, dun kami sumandal ng aking butihing ina sa lahat ng aming mga pangangailangan sa buhay pati na ang mga gastusin sa aking pag-aaral, hospitalisasyon, biglaang gastusin at konting ipon.
Hindi ko alam kung masasabi ko ba na mapalad kami sa aming kalagayan na bagamat salat sa maraming karangyaan sa buhay at kinayang mabuhay nang marangal at may dignidad sa sarili.
Ang aming bahay ay isang payak na tirahan na gawa sa kahoy at pawid. Ang aming mga gabi'y salat sa liwanag, dahil buhat sa isang munting gasera kami umaasa upang may maaninag sa pagsapit ng takip-silim. Ang aming lutua'y gawa sa mga batong pinulot sa gilid ng bundok at ang aming panggatong ay mga kahoy na napulot sa gubat. Isang munting radyong de baterya ang pinagmumulan ng aming kasiyahan sa araw-araw - simula sa pakikinig ng mga balita, mga lumang awitin, mga serye - na sa pagdating ng hating-gabi'y kasabay din naming nahihimbing.
Hindi kami kinulang bagamat salat sa maraming bagay. Hindi kami ginutom, hindi nalubog sa utang bagamat iisa ang naghahanap-buhay; pero aaminin ko napakahirap nang ganong buhay lalo na sa parte ng aking Ina sa mag-isang nagtaguyod sa aking paglaki. Nakita ko ang kanyang hirap kung paanong gawin nyang araw ang mga gabi. Nakita ko ang kanyang bawat hingal at pagod sa bawat pagbungkal ng lupa at sa bawat pagpupunyagi sa mga aning bukid. Nakita ko ang bawat tulo ng pawis at luha sa mga panahon na lalong lumiliit ang pag-asa namin sa buhay. Higit sa lahat, nakita ko paano sya bumabangon sa kahit ano'ng hamon at sa kahit ano'ng lupit na paghampas ng pagkakataon. Nasaksihan ko na hindi lang talino ang dala-dala nya, kundi pati tatag ng puso bagamat ang katawan nya ay unti-unting gumuguho.
Sa mga karanasan ng sangdangkal na ginhawa at sandipang pagdurusa, doon ko natutuhan gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa tamang paghawak ng kabuhayan. Buhat sa aking Ina, nakita ko paanong isabuhay ang pagagastos nang naaayon sa laman ng bulsa. Kung paano at ano ang mga bagay na dapat bigyang prayoridad at ano ang mga bagay na makapaghihintay. Hindi sapat na may diskarte sa paghahanapbuhay, ito ay kinakailangang lakipan ng tamang kaisipan at talino sa paghawak nang tama sa kakarampot at limitadong kabuhayan at pananalapi.
Hindi ko lubos maisip kung paanong ang isang daang pisong kinikita ng aking Ina sa araw-araw ay lumalago at malayo ang nararating. Naalala ko pa nga nung panahog nabubuhay sya, takbuhan sya ng ilang kapitbahay na nangangailangan ng pera para sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya.
Kung merong unang taong nakapagpamulat sa akin ng kahulugan ng kaalaman sa pananalapi, yun ay ang aking Ina. Sa kanya ko unang nakita paano makaipon, paano mag-badyet nang tama, paano ang tamang pagtitipid at paano ang paghahanda para sa mga gastusin sa hinaharap.
Sa ating buhay, mahalagang may isang taong nagsisilbing inspirasyon upang patuloy tayong sumulong sa buhay. Maaaring salat sya sa materyal na bagay pero hindi sya salat sa mabuting asal para mabuhay. Ang aking Ina ang guro ko sa lahat ng mga mahalagang aspeto ng buhay at pagkatao, lalong lalo na sa pananalapi, kaya nga bagamat patuloy ang mga dagok sa aking buhay ay kinakaya ko at nakapagpapatuloy ako nang may ngiti sa labi; dahil alam ko ang sangdangkal na ginhawa at sandipang pagdurusa na pinagdaanan namin ng aking Ina ang magsisilbing gabay ko upang sa pagdating ng panaho ay magkaron ng isang mas maliwanag na bukas, mas matatag na hinaharap at buhay na walang pag-aalintana sa dako pa roon.
New
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Search This Blog
Featured Post
Why am I making a Switch to Naturals by Watsons?
A lot of synthetic and harmful ingredients are used in beauty and skin care products nowadays. We are not aware but we are exposing our bodi...

Must-Read
-
Kids are in for a fun-filled super adventure while learning Filipino values with their favorite superheroes as the Kapamilya kiddie animated...
-
The after-effects of the Covid-19 Pandemic which crippled the tourism industry can still be felt in the Philippines. However, Puerto Princes...
-
Through the generosity and cooperation of the Embassy of the Netherlands in the Philippines, the Angat Buhay initiative invites Mindanao-bas...
-
Prepare your shopping carts for incredible HONOR deals with savings of up to Php 1,000 and a complimentary HONOR Gift Box valued at Php 2,49...
-
The enchanting spirit of a Filipino Christmas comes alive as Shangri-La Plaza transforms into a symphony of carols and bells, ushering in th...
Popular Posts
-
Kids are in for a fun-filled super adventure while learning Filipino values with their favorite superheroes as the Kapamilya kiddie animated...
-
The girl with the signature scent is the girl who commands the attention of the entire room the moment she walks in without having to utter ...
-
Christmas Season is here! And, for sure, some might be worried about gaining some pounds. After all, despite the pandemic, this season of me...
-
Bacolod City is one of the most well-known places in the Visayas. The capital of Negros Occidental, this city has also been lauded because ...
Contact Form
Trending Now
-
Kids are in for a fun-filled super adventure while learning Filipino values with their favorite superheroes as the Kapamilya kiddie animated...
-
The after-effects of the Covid-19 Pandemic which crippled the tourism industry can still be felt in the Philippines. However, Puerto Princes...
-
Through the generosity and cooperation of the Embassy of the Netherlands in the Philippines, the Angat Buhay initiative invites Mindanao-bas...
-
Prepare your shopping carts for incredible HONOR deals with savings of up to Php 1,000 and a complimentary HONOR Gift Box valued at Php 2,49...
-
The enchanting spirit of a Filipino Christmas comes alive as Shangri-La Plaza transforms into a symphony of carols and bells, ushering in th...
No comments:
Post a Comment